Hiniling ng parochial vicar ng simbahan ng Quiapo sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na irekonsidera ang polisiya sa limitadong bilang ng mga maaaring dumalo sa misa sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Fr. Doughlas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, dapat ding tingnan ng pamahalaan ang laki o luwag ng simbahan sa pagpapatupad ng panuntunan na hanggang 10 katao lamang ang maaaring payagang pumasok.
Binigyang diin din ni Fr. Badong ang pagpapahinttulot na sa limitadong operasyon ng mga gym at establisyimentong nagbibigay ng personal grooming services sa mga lugar na nasa GCQ.
Sinabi ni Fr. Badong, nais niyang makita ng IATF ang kahalagahan na makapasok sa simbahan ng mga mananampalataya.
Tiniyak di ni Fr. Badong ang mahigpit na pagsunod ng mga parishioners sa lahat ng mga protocol na may kaugnayan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic bago pumasok ng simbahan.