Tuluy-tuloy ang biyahe ng anim na provincial bus mula sa Tabaco City sa Bicol hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Nabatid na nasa limang araw na ang biyahe ng mga nasabing bus kung saan 50% lamang ang pinapayagang passenger capacity at tanging ang mga pasaherong mayroong essential travel sa Maynila ang maaaring sumakay na kailangang magpabook, tatlong araw bago ang mismong byahe.
Ipinag-utos naman ng Tabaco local government na dalawang bus lamang ang maaaring magbiyahe tuwing alas-5 ng hapon kada araw para maging limitado pa rin ang galaw ng mga tao patungo sa NCR Plus o Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
Mahigpit pa rin ang paalala ng mga otoridad kaugnay sa pagsunod sa health and safety protocols sa mga tauhan at pasahero.