Malaking hamon sa Bureau of Immigration (BI) ang limitadong kapasidad ng mga detention facility, sa gitna ng pagdami ng mga dayuhang nahuhuli sa bansa.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, sobra na ang bilang ng mga detainees na nasa Bicutan Detention ng BI, kung saan mahigit 300 na ang nakakulong mula sa 200 dapat na kapasidad.
Dumagdag sa bilang ang 91 foreign national na nahuli noong Biyernes sa Pasig City at 41 pa noong Sabado sa Angeles City.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang BI sa mga local enforcement units at agencies para sa pansamantalang paglilipat ng detention facility ng mga nahuling dayuhan.