Plano ng Commission on Higher Education (CHED) na ipatupad na ang limitadong face-to-face classes sa lahat ng degree o kurso sa kolehiyo at unibersidad.
Gayunman, nilinaw ni CHED Chairman Prospero De Vera na sa mga lugar lamang na low risk sa COVID-19 at may mataas na vaccination rates idaraos ang mga klase.
Maganda naman anya ang tinatakbo ng kasalukuyang limitadong face-to-face classes kaya’t kumpiyansa silang maipatutupad ito para sa lahat ng kurso sa mga low risk area at may mataas na vaccination rate.
Sa ngayon ay tanging mga kurso sa ilalim ng Modified General Community Quarantine ang pinapayagan tulad ng medicine, engineering, hotel and restaurant management, tourism, marine engineering at marine transportation. —sa panulat ni Drew Nacino