Aprubado kay Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos iprisinta ni Education Secretary Leonor Briones sa kanya ang kanilang plano kung paano isasagawa ang limitadong face-to-face classes.
Sinabi ni Briones na hindi naman otomatiko na puwede ang limited face-to-face kapag mababa ang COVID-19 cases sa isang lugar kung hindi dapat ay pumasa rin ang mga ito sa inilatag nilang mga panuntunan.
Ayon kay Briones, ginagawa na ang limited face-to-face sa La Salle at isang maliit na paaralan sa Siquijor at marami na rin anya ang mga international at private schools na humihingi ng permiso na makapagsagawa ng limitadong face-to-face classes.
Sa ilalim ng panukala ng DepEd, isa o dalawang beses lamang isang linggo lamang papasok ng pisikal sa paaralan ang estudyante at limitado lamang sa mga mahahalagang paksa ang ituturo ng guro.
We have to have stringent health standards especially at these times, we were thinking perhaps August now, but with the new developments, the numbers and so on we should be imposing stringent health standards as suggested by the Department of Health and also by IATF, and some of these will take time like; preparing the building, making sure social distancing will be observe,” ani Briones.