Aprubado na ng Department of Health (DOH) gayundin ng Commission on Higher Education (CHED) ang isang joint memorandum circular na nagpapahintulot sa limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nakasaad sa nasabing circular na bagama’t mas ligtas na gawing flexible ang pag-aaral ng mga estudyante, may ilang pagkakataon na kinakailangan ang pisikal na presensya ng mga ito sa ilang kurso.
Prayoridad sa limitadong face-to-face classes ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera ang piling health degree programs, kabilang ang medicine, nursing, medical technology o laboratory science, physical therapy, midwifery at public health.
Ang mga mag-aaral na nasa dalawampung taong gulang pataas lamang na naka-enroll sa mga nabanggit na priority degree ang papayagan sa limitadong face-to-face classes.
Gayundman, dapat nakarehistro sa kanilang mga health facilities ang mga mag-aaral na may PhilHealth o iba pang health insurance sa kayang bumalikat ng mga gastusing may kinalaman sa COVID-19.