Papayagan na ang limitadong religious activities sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) simula July 10.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na aprubado na ng IATF ang pagdaraos ng religious activities sa GCQ areas subalit dapat ay 10% lamang ang kapasidad ng pasilidad ang papayagang dumalo.
Para naman sa mga lugar na nasa modified GCQ ang mga simbahan at iba pang religious venues ay uubrang tumanggap ng hanggang 50% ng kanilang total capacity.