Ititigil muna ng National Food Authority o NFA ang kanilang pagbebenta ng bigas sa Central Luzon, Western Visayas at Western Mindanao.
Ayon sa NFA, kasalukuyang limitado ang kanilang suplay at kailangang bigyang prayoridad ang stock ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa pagbibigay ayuda sa panahon ng kalamidad.
Nilinaw naman ng NFA na walang kakulangan ng suplay sa kanilang bigas dahil sadyang kakaunti lamang ang kanilang biniling bigas.
Aminado naman ang NFA na posibleng magmahal ang presyo ng commercial rice dahil sa limitadong suplay ng NFA rice at epekto ng excise tax sa langis.
Gayunman pagtitiyak ng NFA na makikipag-ugnayan sila sa mga dealers at resellers para hindi gaanong magtaas ng presyo ng mga commercial rice lalo’t sa mga mamimili lang din ang mga ito kumikita.
—-