Itinigil muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang paglimita sa mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa Metro Manila.
Kasunod ito ng kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na pag–aralan muna ng LTFRB ang Memorandum Circular 2018–003 na limitahan sa apatnapo’t limang libo (45,000) ang mga TNVS.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, papayagan nila na makabiyahe ang iba’t ibang uri ng TNVS sa Metro Manila basta ito ay ‘accredited’.
Kabilang aniya dito ang mga sedan, AUV, at hatchback cars na unang pinag–aaralan ng ahensya na i-ban.
Sa pagtaya ng Grab Philippines, nasa animnapung libong (60,000) TNVS ang nagseserbisyo sa mga pasahero sa kalakhang Maynila.