Nagkasundo ang mayorya sa mga miyembro ng supermajority na limitahan sa drug related crimes ang pagpapataw ng parusang kamatayan.
Sa isinagawang caucus kahapon, nalaglag na sa listahan ang plunder, treason at rape.
Ipinaliwanag ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na mas madali nilang maipapasa ang death penalty bill kung limitado na ito sa drug related cases o crimes.
Kaugnay nito, ipinagpaliban ngayong araw ang second reading approval ng kamara sa naturang panukala at itutuloy na lamang ang botohan bukas, Marso 1.
By: Meann Tanbio / Jill Resontoc