Umapela si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Alberto Lina sa mga broker na huwag nang ituloy ang planong kilos protesta sa susunod na lingo.
Sinabi ni Lina na nakausap na niya ang mga lider ng Professional Customs Brokers Association of the Philippines, Incorporated hinggil sa TABS o Terminal Appointment Booking System nitong nakalipas na dalawang linggo.
Ipinaliwanag niya aniya sa grupo ang advantages ng bagong booking system kahit pa pinoprotesta ito ng brokers.
By Judith Larino