Nasa kustodiya na ng Senado si Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong matapos ipaaresto dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig ng blue ribbon committee hinggil sa overpriced umanong COVID supplies.
Pansamantalang nakapiit si Ong sa gusali ng Senado sa Pasay City.
Una nang inihayag ni Senate President Tito Sotto na nananatili ang arrest warrants laban kay Ong at sa iba pang opisyal ng Pharmally.
Sa mga nakaraang hearing ay pinaaresto na rin ni Sotto si Ong pero nanatili ito sa kanyang bahay matapos magpositibo umano sa COVID-19.—sa panulat ni Drew Nacino