Niyanig ng magkasunod na lindol ang mga lalawigan ng Davao Occidental at Southern Leyte, kaninang madaling araw.
3:59 ng umaga nang tamaan ng Magnitude 4 ang bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang sentro ng pagyanig, 119 na Kilometro Timog Silangan ng naturang bayan at may lalim na 41 kilometro.
Dakong alas 4:14 naman nang yanigin ng Magnitude 4.7 ang Southern Leyte.
Natunton ang epicenter nito, 34 na kilometro, hilagang silangan ng bayan ng silago at may lalim na 202 kilometro.
Wala namang nasugatan o napinsalang gusali at aftershock sa 2 magkasunod na lindol na kapwa tectonic ang origin.
By: Allan Francisco