Hindi dulot ng nuclear test ang naramdamang 3.5 magnitude na lindol malapit sa nuclear testing site ng North Korea noong Sabado.
Ito ang paglilinaw ng CENC o China Earthquake Networks Center kung saan batay sa kanilang nakuhang data ang pagyanig ng lupa ay maituturing na natural earthquake.
Sinabi naman ng Chinese Academy of Sciences na ang naramdaman na lindol sa North Korea ay maituturing na lagged collapse earthquake o aftershock lamang ng naunang pagyanig dahil sa nuclear test noong September 3.
Una rito sinabi ng United States Geological Survey na hindi nila masabi kung man-made ang nasabing pagyanig dahil nasa limang kilometro lamang ang naitalang lalim nito.
—-