Sumampa na sa halos 400 ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na lindol sa Mexico.
Pinakamarami ang naitalang fatality sa magnitude 7.1 noong September 20 na aabot na sa mahigit 300 habang nasa halos 90 na ang nasawi sa magnitude 8.1 noong September 7.
Kabilang sa pinaka-matinding napinsala ang Mexico City, Morelos, Oaxaca, Morelos at Pueblo States.
Samantala, naramdaman naman ang magnitude 6.1 aftershock sa mga naturang lugar.
SMW: RPE