Kinalma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ang publiko kaugnay sa nangyaring magnitude 5.7 na lindol sa Occidental Mindoro kaninang madaling araw.
Ayon kay Phivolcs OIC at DOST Usec. Renato Solidum, walang kaugnayan ang nangyaring lindol kanina sa paggalaw ng west valley fault.
Manila trench ang siyang gumalaw kanina ani Solidum kaya’t ramdam ang pagyanig hanggang sa kalupaan ng Luzon.
Pero mahina pa aniya ang naturang lindol para maka-apekto sa ibang mga trench na siyang magdudulot ng mas malaking pinsala sa kalupaan.