Nagdulot ng matinding takot ang tumamang magnitude 6.7 na lindol sa mga taga-Surigao.
Sa panayam ng “Karambola”, ipinabatid ni Surigao del Norte Congressman Robert ‘Ace’ Barbers na ito kasi ang unang pagkakataon na nakaranas ng malakas na lindol ang probinsya.
“Well talagang ika nga dumaan sa matinding takot, talagang napakalakas kasi yung 6.7 na yun na mismo sa Surigao City ang center, first time nangyari itong naramdaman na ito , ganitong kalakas, kasi nung mga nakaraang buwan at taon, merong mga minor tremors pero hindi ganong kalakas, medyo nagulat at medyo nataranta itong ating mga kababayan. Yung mga tao kasi talagang sa takot sila’y nagtakbuhan papuntang higher ground kasi yun ang briefing ng ating mga local government units, especially those people living in the coastal areas, karamihan ng bahay sa Suriago City situated along the coastal areas.” Ani Barbers
Gayunman ipinabatid ni Barbers na nakabalik na sa kani-kanilang tirahan ang mga residente.
“I would say about 90-95% ay nakabalik na sa kanilang tirahan, sa aking palagay ay medyo kampante na, although kahapon, may mga tremors pa habang nandudun kami hinihintay namin ang ating Presidente ay nagkaroon ng mga tremors, in fact nagkatakutan nga uli dahil medyo merong may isang malaki-laking at malakas lakas na nangyari.“ Dagdag ni Barbers.
Kasabay nito ay tiniyak ni Barbers na kanila nang sinusuri ang mga gusaling lubhang napinsala ng lindol at isinara na ang isang mall na nag-collapse.
“Ang LGU at ang DPWH ay kinordonan na yung mga building na sa tingin nila ay delikado na ang structure, karamihan dun yung mga buildings na tumagilid, mananatili itong naka-cordon until such time magkaroon ito ng clearance para makabalik ang mga naninirahan.”
Pinuri ni Barbers ang mabilis na pagresponde ng gobyerno at pag-ayuda sa mga biktima ng kalamidad.
“Ang bilis ng aksyon ng gobyerno this time in fact, ang Presidente ang nagpunta sa Surigao, nakita ng taong bayan yun, nakita nila na itong si President Duterte eh aksyon agad.”
Marami mang nasira sa imprastraktura ng lungsod ay nananatiling positibo si Barbers na muli silang makakabangon sa pagtutulungan.
By Aiza Rendon | Karambola (Interview)