Libu-libu ang dumagsa sa Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila para makiisa sa proyektong “Lingap Laban sa Kahirapan” ng INC o Iglesia ni Cristo ngayong maulang araw ng Linggo.
Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, dinagsa pa rin ng mga dumalo ang nasabing lugar kung saan tinatayang nasa 120,000 batay sa ulat ng NCRPO o National Capital Region Police Office.
Ayon kay Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, bukas para sa lahat ang kanilang aktibidad para sa sinumang nais mag-avail ng medical at dental na mga serbisyo at hindi ito eklusibo lamang sa mga miyembro ng INC.
Target ng INC na maserbisyuhan ang aabot sa 250,000 pilipino kaya’t hinimok nila ang publiko na samantalahin ang libreng serbisyong ito.