Hindi malayong maapektuhan ang growth rate ng bansa dahil sa kawalan ng kontrol ng gobyerno na mapigilan ang kada linggo na labis na pagtaas ng presyo ng langis na nagpapahirap ngayon sa mga Pilipino.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepeneurship Joey Concepcion, malaki ang epekto sa mga mamimili ng tila wala nang katapusan na oil price increase dahil tiyak na limitado na lamang ang mga bibilhin nilang produkto upang mapagkasya ang kanilang budget.
Sakaling mangyari ito, siguradong tatamaan ang Groos Domestic Product (GDP) growth at mahihirapan nang makuha ang target na 7% economic growth rate ngayong taon.
Malaking hamon aniya ito sa bansa, at ang isa sa mga maaring gawin ay tulungan ang mga nasa Micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa gitna ng di maabatang labis na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)