Positibo ang Department of Health (DOH) na makakatulong sa pag-boost ng confidence ng publiko ang kada isang linggong paglalabas ng COVID-19 bulletin.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, nadadagdagan ang takot ng publiko kung makikita ang alas-4 bulletin ng DOH.
Pero kung bumababa na ang naitatalang kaso sa bansa, tulong ang kada linggong paglalabas ng bulletin upang mapanatag ang lahat na bumababa na ang kaso.
Sa Marso a-7 magsisimula ang lingguhang paglalabas ng DOH ng kabuuang kaso sa Pilipinas. —sa panulat ni Abby Malanday