Posibleng makulong ng hanggang 16 taon si re-elected Mayor Roberto Luna Jr. ng Lingig, Surigao Del Sur.
Ito’y makaraang mapatunayan ng sandiganbayan na guilty si Luna sa mga kasong may kaugnayan sa illegal disbursement ng honoraria ng mga job order employee noong 2000.
Sa desisyon ng ikatlong dibisyon ng anti-graft court, pinatawan ng hanggang anim (6) na taong pagkakabilanggo si Luna para sa kasong falsification of public documents habang hanggang sampung (10) taon naman para sa kasong malversation.
Maliban dito, hindi na rin maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno si Luna at ginawaran din ito ng P1.6-million na multa.
Magugunitang kasama si Luna sa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte at inaresto ito bago ang May 13 elections kasunod ng raid sa kanyang bahay kung saan nasabat mula rito ang ilang hindi lisensyadong baril at iligal na droga.