Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Lingig, Surigao Del Sur, dakong alas-9:00, kagabi.
Natukoy ang epicenter ng pagyanig sa layong 37 kilometro sa hilagang-silangan ng bayan ng Lingig.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol na may 64 kilometro ang lalim.
Naramdaman ang intensity 5 ang lakas sa Lingig at Bislig City, Surigao Del Sur samantalang, intensity 4 sa Lianga at Hinatuan, Surigao Del Sur.
Nasa intensity 3 naman ang lakas ng pagyanig sa Monkayo, Nabunturan, New Bataan, Laak, Compostella Valley, at Montevista, Davao De Oro; Intensity 2 naman sa Maco, Mawab at Pantukan, Davao De Oro at intenisty 1 sa Cagwait, Surigao Del Sur Bayugan, Agusan Del Sur.
Wala namang naitalang pinsala habang inaasahan ang mga aftershocks matapos ang nasabing lindol. —sa panulat ni Jenn Patrolla