Bagsak na ang linya ng komunikasyon sa ilang bayan sa Albay.
Ito ay ayon Kay Albay Governor Al Francis Bichara kaya pahirapan na ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibang bayan sa lalawigan maliban sa Legaspi City.
Sinabi ni Bichara, hindi pa sila makakuha ng buong detalye at sitwasyon sa ibang bayan dahil wala nang signal ang mga telecommunications company.
Dagdag pa ng gobernador, may natanggap siyang ulat na ilang evacuation centers na ang natanggalan ng bubong.
Sa kabila nito, tiniyak ni Bichara na ililipat ng ibang evacuation centers ang mga apektadong bakwit.