Unti-unti nang naibabalik sa normal ang mga linya ng kuryente sa lalawigan ng Cagayan.
Ito’y matapos makatikim ang lalawigan ng hagupit ng Bagyong Ompong nito lamang nakalipas na buwan.
Ayon kay Cagayan Governor Ed Mamba, mas mabilis aniya ngayon kung tutuusin kumpara sa nagdaang bagyong lawin ang pagsasaayos sa mga nasirang linya.
Ito’y dahil na rin aniya sa pakikipag-tulungan ng iba pang mga electric cooperative sa lalawigan.
Dahil dito, sinabi ni Mamba na posibleng isandaang porsyento nang maibalik ang suplay ng kuryente sa kanilang lalawigan bago matapos ang buwang ito.