Magpapatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng liquor ban sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, epektibo ang ban simula Enero 7 hanggang 9.
Simula nang sumkilab ang Covid-19 pandemic, sinuspinde ng Simbahang Katolika at Manila City Government ang tradisyunal na traslacion ng itim na poon.
Una nang sinabi ni Father Earl Valdez, spokesman ng Nazareno 2023 na kanselado rin ang mga tradisyunal na pahalik pero maaari namang lumapit ang mga deboto sa mga imahe ng Señor Nazareno. –sa panulat ni Jenn Patrolla