Na-liquidate na ng Philhealth ang nasa 100% advanced payments sa mga ospital at iba pang health facilities sa pamamagitan ng kanilang kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism.
Ito ang tiniyak ni Philhealth acting Vice President for Fund Management Sector Emily Roque sa isinagawang hearing ng House Committee on Health.
Ayon kay Roque, mula sa P14.97-B na ini-release ng Philhealth para sa IRM, aabot na sa P14.89-B na ang kanilang na-liquidated o katumbas ng 99.49%.
Target aniya nilang i-liquidate ang 100% ng IRM funds sa Setyembre 30, 2021.
Alinsunod sa IRM, babayaran ng Philhealth ang mga ospital at healthcare facility nang advance para sa insurance claims, upang matiyak na magiging operational pa rin ang mga ito kahit panahon may krisis.—sa panulat ni Drew Nacino