Pinalawig ng Davao City government ang ipinatutupad na liquor ban at curfew hour sa lunsod ng hanggang Marso 31 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Inisyu ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kautusan matapos magdesisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na mananatili parin sa general community (GCQ) ang lungsod.
Ipatutupad ang liquor ban, 24 oras kada-araw, habang 9PM hanggang 4AM naman ang oras ng curfew hour.