Magpapatupad ng liquor ban ang lokal na pamahalaan ng Binmaley, Pangasinan upang paigtingin pa ang laban nila kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa Executive Order (EO) ni Mayor Simplico Rosario, pinagbabawal ang pagtitinda, pagbili at pag-inom ng alak simula ala-1 ng madaling araw, ika-7 ng Enero.
Ayon kay Mayor Rosario, isa ang liquor ban ang inirekomenda ng municipality’s task force against COVID-19 para maiwasan ang paglobo ng kaso ng coronavirus sa bayan.
Hindi naman nabanggit sa abiso kailan magtatagal ang nasabing kautusan.
Samantala, ang business establishments naman lalabag sa kautusan ay maalisan ng business permits. — sa panulat ni John Jude Alabado