Ipatutupad na simula ngayong araw ang liquor ban para sa seguridad ng halalan bukas.
Ayon sa Philipppine National Police (PNP), bawal na ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng alak simula ngayong araw hanggang sa bukas.
Sinumang makikitang lumabag ay mahaharap sa parusa nang pagkakakulong na hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon at walang piyansa.
Pinaalalahanan naman ang mga may-ari ng establisimyento na iwasan ang pag-display ng alak para hindi matukso ang publikong bilhin ito.