Ipatutupad ng Philippine National Police o PNP ang 48 oras na liquor ban mula Mayo 12 hanggang 13.
Ayon kay PNP Spokesman Col. Bernard Banac, ang naturang hakbang ay para matiyak na mapayapa at maayos ang gaganaping eleksyon sa Lunes.
Dahil dito, mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta ng anumang klase ng inumin na nakakalasing.
Magsisimula ang implementasyon ng liquor ban ganap na alas 12:01, Linggo ng madaling araw hanggang alas 12:00, Lunes ng madaling araw.