Ipinagbabawal ang pag-inom ng alak at mga nakalalasing na inumin sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan sa Lungsod ng Manila.
Nilagdaan ni Mayor Honey Lacuna ang Executive Order (EO) no. 3 sa ilalim nito, nagsimula ang liquor ban kahapon Enero 14 hanggang ngayong Enero 15 sa mga lugar na nasa loob ng territorial jurisdiction ng Sto. Niño de Tondo Parish at Sto. Niño de Pandacan upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing lungsod.
Inatasan din ni Lacuna ang Manila Police District (MPD) gayundin ang Law Enforcement Officers na mahigpit na ipatupad ang ordinansa.
Ilang kalsada din sa bahagi ng pandacan sa manila ang sarado para sa pagdaraos ng “Buling-Buling 2023 para sa pagdiriwang pista. - sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon