Nagpatupad na ng liquor ban ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela at Ilocos Norte.
Ito ay bahagi ng paghahanda ng dalawang lalawigan sa epekto ng bagyong Jenny.
Dahil dito, pansamantalang ipinagbabawal ang pag-inom, pagbebenta at pagbibigay ng mga nakalalasing na mga inumin sa Isabela at Ilocos Norte.
Ayon kay Isabela Governor Faustino Dy, layun nitong maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari dahil sa paglalasing habang nananalasa ang bagyo.
Pananagutin din aniya ang mga lalabag sa nabanggit na ordinansa.
Sinabi naman ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc na otomatikong tatanggalin ang liquor ban oras na lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Jenny.