Mahigpit na ipinatutupad ng Philippine National Police o PNP ang liquor ban sa mga lugar na dinaraanan ng traslacion ng Itim na Nazareno.
Ito’y kasunod na rin ng inaprubahang Executive Order No. 3 ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kung saan ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak habang ginagawa ang naturang aktibidad.
Una nang sinuspinde ni Estrada ang klase sa lahat ng antas sa siyudad, pribado man o pampubliko.
Tanging ang mga pribadong tanggapan sa Maynila ang pinapayagang pumasok sa trabaho ngayong araw na ito.
By Jelbert Perdez