Muling ipinatupad ng pamahalaang panglungsod ng Mandaluyong ang liquor ban kasabay ng muling pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa national capital region.
Sa ipinalabas na City Ordinance No. 790 sa Mandaluyong, ipinagbabawal na ang pagbenta ng anumang nakalalasing na inumin gayundin ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Habang pinapayagan naman ang pag-inom ng alak sa loob ng tahanan basta’t mga magkakamag-anak lamang at walang anumang social activity kung saan may mga bisita.
Pagmumultahin ang mga mahuhuling lalabag sa ordinansa ng hanggang limang libong piso at tatlong buwang pagkakakulong.
Nakasaad din sa ordinansa ang awtomatikong pagpapatupad ng liquor ban sa panahon ng ECQ sa lungsod o sakaling nasa special concern lockdown ang isang barangay.