Nagpatupad na rin ng liquior ban ang lokal na pamahalaan ng Quezon City epektibo sa Lunes, Marso 15.
Ito’y bilang bahagi ng hakbang ng lokal na pamahalaan na mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Maliban sa liquior ban, pansamantala ring isasara ang mga gym, spa at internet cafe na tatagal hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, minabuti nilang gawin ang nasabing hakbang matapos maitala ang outbreak ng virus sa isang hindi tinukoy na gym sa lungsod.