Inalis na ni Bacolod City Mayor Evelio Leonardia ang Liquor ban.
Kasabay nito, itinakda rin niya ang curfew mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng umaga.
Batay sa Executive Order na inilabas ni Leonardia, papayagan nang mag-operate sa full on-site o venue capacity ang mga establisyimento at mga aktibidad maliban sa ilang exemptions sa ilalim ng Alert level 1 hanggang marso a-kinse.
Samantala, hinimok niya ang publiko na manatiling sumunod sa minimum public health standards at paggamit ng BacTrac I.D System sa mga establisyimento. —sa panulat ni Airiam Sancho