Tuloy ang pag-iral ng liquor ban sa Manila City sa kabila ng pasasailalim na sa general community quarantine (GCQ) ng buong Metro Manila.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, wala pa siyang planong alisin ang liquor ban sa lungsod dahil naniniwala siyang hindi kabilang ang alak at ibang nakalalasing na inumin sa mga pangunahing kailan ng tao.
Kaugnay nito, binalaan ni Moreno ang mga convenience store, grocery at iba pang tindahan sa maynila na ipasasara oras na mahuling nagbebenta ng mga nakalalasing na inumin.
Samantala, humingi naman ng pang-unawa ang alkalde sa mga residente ng maynila.
Una nang nagpalabas ng Executive Order si Moreno para sa pansamantalang pagbabawal sa distribusyon at pagbebenta ng mga alcoholic beverages.