Ipinagbawal na ang pagbebenta ng alak sa lungsod ng maynila simula sa sabado, bisperas ng pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ipatutupad ang Liquor ban sa kabila ng kanselasyon ng Traslacion 2022.
Nagpasalamat naman si Moreno kay Minor Basilica of the Black Nazarene Rector, Monsignor Hernando Coronel, sa kanilang pagtugon sa pangangailangan ngayong may pandemya.
Nobyembre nang inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng maynila ang suspensyon ng Traslacion 2022 dahil sa COVID-19.
Hinihikayat naman ang mga deboto ng Itim na Nazareno na mag-online misa na lamang sa linggo, ang mismong araw ng kapistahan ng poon. —sa panulat ni Mara Valle