Ipinatupad na ng Parañaque City government ang liquor ban simula ngayong araw hanggang Agosto 20 sa gitna ng ipatutupad na Enhanced Community Quarantine sa NCR.
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, ipinatupad nang mas maaga ang liquor ban o apat na araw bago ang ECQ upang maiwasan ang mga pagtitipon.
Inatasan na rin ni Olivarez ang buisness permit and licensing office sa pangunguna ni Atty. Lanie Soriano-Malaya na suriin ang mga establisyimento upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa ordinansa.
Ipinagbabawal na rin ang indoor sports venues, indoor tourist attraction, at indoor religious gatherings sa lungsod.—sa panulat ni Drew Nacino