Inihayag ng pamunuan ng Pasig City na ini-lift na ng sangguniang panlungsod ang ipinatupad liquor ban sa buong lungsod alinsunod sa quarantine protocols.
Ayon sa post online ng Pasig City Information Office, bagamat lifted na ang liquor ban, nananatili pa ring bawal ang pag-inom sa mga pampublikong lugar, pagsasagawa ng social gatherings o mga pagtitipon, at ang pag-dine-in sa mga kainan, bars, at mga tindahan sa lungsod.
Kasunod nito, nagbabala ang mga awtoridad sa Pasig City, na may kaukulang parusa ang sino mang lalabag sa ordinansa. Mas mainam pa rin anila, ang paglagi sa kani-kanilang mga bahay para makaiwas sa banta ng nakamamatay na virus.
We are lifting because businesses and workers are also affected by the ban.
NGUNIT paalala na bawal pa rin po ang social gatherings. Kung inom na inom na po kayo, sa loob na lang muna ng bahay at wag imbitahin ang buong barangay pic.twitter.com/GFdwTvirz2
— Vico Sotto (@VicoSotto) May 26, 2020