Mas pinaigting pa ang pagpapatupad ng liquor ban o ang pagbabawal ng pagbebenta at pag-inom ng alak sa pista ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan sa Maynila.
Katunayan, sinabi sa DWIZ ni Manila Police District Director Brig. Gen. Leo Francisco na marami nang nahuhuling residente dahil sa iba’t ibang mga paglabag.
Giit ni Francisco, ipatutupad nila ang batas sa lahat at wala silang sisinuhin sa mga ginagawa nilang operasyon.
Hinikayat din ni Francisco ang mga deboto ng Sto. Niño na sumunod sa health protocols at panatilihin lagi ang physical distancing at pagsusuot ng facemask.
Samantala, sinabi naman ng opisyal na wala silang natatanggap na banta sa seguridad sa pista ng Sto. Niño.