Ipawawalang bisa na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela simula sa Huwebes, Oktubre 15, ang ipinatutupad nitong ‘liquor ban’
Ayon sa post online ng Pamahalaang Lungsod Ng Valenzuela, bagamat pinawawalang bisa na ang ‘liquor ban’, ay ipatutupad naman ang ‘liquor regulation during the pandemic ordinance’.
Sa ilalim nito, hindi pa rin pupwedeng magbenta ng mga inuming nakalalasing sa mga menor-de-edad, at mga nagdadalang tao, maging sa mga oras na umiiral ang curfew o mula alas-dies ng gabi hanggang alas-singko ng madaling araw.
Bukod pa rito, ipinagbabawal din ang pag-i-inuman sa mga pampublikong mga lugar, pero papayagan naman ang inuman sa loob ng mga commercial establishments.
Samantala, nagbabala ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa sinumang lalabag sa ordinansa ay papatawan ng parusa, habang ang mga lalabag na mga establisyimento ay maaaring matanggalan ng ‘business permit’.