Isinusulong ngayon ni Senator Imee Marcos ang panukalang maglagay ng liquor curfew sa mga lugar na may mataas na kaso ng rape.
Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng naitalang 149 na kaso ng panggagahasa sa mga kakabaihang estudyante sa bansa kung saan karamihan dito ay mula sa Metro Manila.
Sinabi pa ng senadora na kalimitan itong nangyayari tuwing araw ng sahod, fiesta, concert at iba pang public occasion na karaniwan hindi maiiwasan ang inuman at minsan may kasamang droga.
Aniya sa pamamagitan ng liquor curfew ay mahihito na ang mga lugar na laganap ang rape o panggagahasa.
Dahil dito, hinimok ni Sen. Marcos ang pambansang kapulisan na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapatupad ng liquor curfew.