Naloko ng dating manager ng K-Pop company na Y-G Entertainment ang isa mga miyembro ng K-Pop girl group na Black Pink.
Ayon sa ulat mula sa South Korean news outlet na Soompi, umabot sa billion won o mahigit P41-M ang halagang na-estapa kay lisa ng Black Pink.
Sinasabing nagkunwari ang nabanggit na dating manager na kanyang tutulungan si Lisa sa paghahanap ng bahay.
Gayunman, ginasta umano ng nabanggit na dating manager sa sugal ang lahat ng mga natanggap nitong pera mula kay Lisa.
Samantala, pumayag naman umano si Lisa na makipag-areglo kung saan ibinalik na ng kasalukuyang manager ng yg entertainment ang bahagi ng nalokong pera habang babayaran naman ng kumpanya ng nalalabi pa.