Hindi na kukumpiskahin ng traffic enforcers ng Makati LGU ang mga lisensya ng mga motoristang mahuhuling lumalabag sa mga patakaran at regulasyon sa trapiko.
Ayon kay Makati Public Safety Department head na si Michael Arthur Camila, sakaling makagawa ng traffic offense ang isang motorista ay mag-iisyu lamang ng violation receipt ang enforcer ng hindi kinukumpiska ang lisensya nito.
Bibigyan lamang ng limang araw ang mga motorista upang bayaran ang kaukulang multa na inisyu ng pamahalaang lungsod.
Matatandaang nagkasundo ang Makati at ang 16 na iba pang Local Goverment Units (LGU) sa Metro Manila hinggil sa pagsuspindi sa pagkumpiska ng driver’s license ng mga motorista upang bigyang daan ang paglikha ng panukalang single ticketing system. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon