Posibleng makansela o masuspendi ang lisensya ng security provider ng Resorts World Manila na NC Lanting.
Ito ay matapos masilip ng PNP-SOSIA o Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies na may kakulangan sa ipinatupad na seguridad ng NC Lanting dahilan kaya nakalusot ang gunman na si Jessie Carlos sa nasabing casino hotel.
Ayon kay Senior Superintendent Ildebrandy Usana, Assistant Chief ng PNP-SOSIA, posibleng mailabas na bukas ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon.
“Not later than tomorrow mailalabas na po namin yung result nung investigation that we conducted doon po sa pangyayari involving the NC Lanting, although from our end meron kaming responsibility which is more on the administrative side, yung criminal aspect is now being handled by the local police at ongoing rin ang investigation, sa administrative this may also result in either suspension or cancellation po ng license ng security agency and that will be provided by SOSIA po.” Ani Usana
Una nang sinabi ni Usana na itinuturing nilang paglabag sa panuntuan ng SOSIA ang suot na civilian uniform ng lady guard na sumita sa gunman at bagaman kahilingan ito ng Resorts World ay hindi dapat sinunod ng NC Lanting.
“Noong nag-request ang security agency dineny po yan ng SOSIA kasi ang requirement nga po dapat naka-security guard uniform, and at that time it happened hindi naka-security guard uniform kasi kapag naka-security guard uniform ka it is expected nma ikaw ay armado rin.” Pahayag ni Usana
By Krista de Dios | Ratsada Balita (Interview)
*Photo Credit: Jonathan Andal (Patrol 31)