Natanggap na ng Taguig City Government sa pamamagitan ng City Health Office nito ang lisensya para sa dalawang health centers nito.
Epektibo kahapon, July 25 ang operasyon ng Calzada Health Center at Hagonoy Health Center bilang PCF o Primary Care Facilities na hindi lamang sa Taguig kauna-unahan kundi maging sa buong Metro Manila.
Binigyang-diin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na isa sa plano ng kaniyang administrasyon ay patuloy na mapalawig ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod.
Layon ng PCF na makapagbigay sa komunidad nito ng initial contact, accesible, continuos, comprehensive at coordinated primary care services.
Batay sa lisensya, tatagal hanggang December 31, 2024 ang operasyon ng mga nabanggit na health centers sa Taguig City.