Pinalilinis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng mga benepisyaryo ng target na social assistance programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nais kasi ng Pangulo na alisin na ng kagawaran ang mga benepisyaryong hindi kwalipikadong makatanggap ng cash grants mula sa pamahalaan.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ilan na rin sa mga benepisyaryo ang graduate na mula sa Conditional Cash Transfer program (CCT) o mas kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Partikular ito sa mga magulang na ang mga anak ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Ngunit, hindi isnisuko ang kanilang accounts at patuloy na makatanggap ng cash grants.
Inaasahan namang sa mga susunod na linggo ay magpapalabas ng “amnesty” si tulfo na nananawagan sa mga unqualified 4Ps beneficiaries na isuko na ang kanilang accounts sa kagawaran sa loob ng 30 hanggang 60 araw, sakaling hindi ay posible itong sampahan ng kaso.
Plano rin niya na ipatupad ang reward system na kung saan makatatanggap ng pabuya ang informer kung maituturo kung sino sa kanilang komunidad ang dapat na alisin mula sa naturang listahan.