Nagpalabas na ng listahan ng mga holidays ang Malacañang para sa susunod na taon.
Batay sa pinirmahang Proclamation 269 ni Pangulong Duterte, nakasaad dito ang sampung (10) mga regular holidays at walong (8) special non-working holidays.
Kabilang sa mga regular holidays ang Bagong Taon, Huwebes Santo at Biyernes Santo sa Marso 29 at 30, Araw ng Kagitingan, Labor Day, Araw ng Kalayaan, National Heroes Day, Bonifacio Day, Pasko at Rizal Day.
Idinagdag naman sa special non-working holidays ang November 2 matapos itong pumatak ng Biyernes at December 24 na pumatak naman ng Lunes.
Habang idideklara pa lamang ang araw kung kailan papatak ang Eid’l Fitr at Eidul Adha sa oras na matukoy na ito alinsunod sa islamic calendars.
By Krista de Dios
Listahan ng holidays para sa 2018 inilabas na ng Malacañang was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882