Aabot sa 29 na mapanganib na paputok ang tinukoy sa isinagawang dayalogo ng PNP sa fireworks manufacturer sa camp Alejo Santos, Malolos City, Bulacan.
Kabilang pa rin sa mga ipinagbabawal ang watusi, piccolo, five star, pla-pla at goodbye bading.
Ayon kay Bulacan provincial police director, Col. Relly Arnedo, posibleng makalason, makapinsala at makapatay ang mga nabanggit na paputok.
Magsasagawa anya sila ng inspeksyon sa mga pagawaan ng paputok upang mahuli ang mga ilegal at paiigtingin din ang pag-i-issue ng permit.
Nanawagan naman si Arnedo sa publiko na i-report sa kanila ang mga ilegal na pagawaan ng paputok upang mahinto ang operasyon ng mga ito. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla